|
Sitsiritsit |
Sitsiritsit, alibangbang Salaginto at salagubang. Ang babae sa lansangan, Kung gumiri'y parang tandang. Santo Niño sa Pandakan Puto seko sa tindahan. Kung ayaw mong magpautang, Uubusin ka ng langgam. Mama, mama, namamangka, Pasakayin yaring bata. Pagdating sa Maynila, Ipagpalit ng manika. Ale, ale namamayong Pasukubin yaring sanggol. Pagdating sa Malabon, Ipagpalit ng bagoong. Sitsiritsit, alibangbang, Salaginto at salagubang. Ang babae sa lansangan,' Kung gumiri’y parang tandang. |
|
|
|
Philippine Geography | ||||
---|---|---|---|---|
|
|
2006 - 2013 Famous Filipino dot com. Some rights reserved |