|
Ako bilang isang Filipino ay nangangakong gagawin ang lahat upang ingatan at pangalagaan Ang aking kapaligiran Magtatapon ako ng basura Sa mga tamang lugar lamang; Pahahalagahan ang angkop na pamamaraan ng paghihiwalay at muling paggamit nito Ako ay magtatanim ng mga puno Upang mapayabong ang kagubatan; At tutulong upang mapanatiling buhay ang mga ilog Kaya't bilang tagapangalaga Ituturing ko ang bawat araw bilang isang pagkakataon para ipakita ang pagmamahal sa kalikasan ng aking bayan |